Ito po ay entry ng kaibigan nating si Kurog para sa Saranggola Blog Awards. Pakitulungan naman po siyang mapili para sa BlogSikat Award. Ang kailangan lang po ninyong gawin ay ang i-click ang link na ito at pagkatapos ay i-LIKE ang entry niya sa Saranggola Blog Awards blog. Salamat po sa inyong suporta!
Friday, October 21, 2011
Wednesday, October 5, 2011
My Bestfriend's Boyfriend (Part 36)
“Ma!” Bati ko sa aking ina nang madatnan namin ito sa
sala na bitbit ang mga pinamili niya.
“O anak,” bati rin nito. “Jay, andito ka na pala.”
“Opo Tita, kumusta po?” bati rin naman ni Jay kay Mama
habang inaabot ang kamay upang magmano. “Tulungan ko na po kayo diyan.
“Anong oras ka ba dumating?” tanong ni Mama. “Isang
linggo ka nang hinihintay niyang si Cofee ah. Di nga mapakali ‘yan kanina pa.”
Saturday, October 1, 2011
My Bestfriend's Boyfriend (Part 35)
“Tita,” nanginginig ang boses ko. “Pwede po ba akong pumunta sa inyo ngayon?”
“Ha?”
Imbis na sagutin siya ay mabilis kong tinahak ang daan papunta sa bahay nila. Sa bahay kung saan naroon ang taong nagsabing mahal ako. Ang taong una nang nanakit sa damdamin ko, pinatawad ko at ngayon, unti-unti na namang dinudurog ang puso ko. Sa bawat hakbang ko ay kasabay ang pagpatak ng mga luha at ang pag-iisip kung ano ba ang magiging reaksiyon ko sa madadatnan ko.
“Cofee, hijo,” tawag sa akin ni Tita Helen na sinusubukang sumabay sa mabibilis kong hakbang. “Sandali lang.”
Saturday, September 10, 2011
My Bestfriend's Boyfriend (Part 34)
“Napag-usapan na natin ‘yan diba?” pagpapaalala sa akin
ni Jay na may bahid ng pagkainis. “Bakit ba masyado kang mapilit?”
“Nag-aalala lang naman kasi ako,” sagot ko sa kaniya.
“Kakausapin mo lang naman siya tapos tapos na.”
“Bakit ba anghilig mong magpauto sa babaeng ‘yon?” halos
pasigaw na niyang tanong sa akin.
“Hindi naman sa nagpapauto ako sa kaniya.” sagot ko.
“Siyempre, kahit papaano ay naging kaibigan ko siya kaya di mo maaalis sa akin
ang mag-alala.”
“Hay nako,” frustrated na usal ni Jay. “Kung di lang kita
mahal eh.”
SPECIAL CHAPTER # 1
Ito po yung ilalagay ko sana sa Special Chapter na bila ko ring binawi. Hehe. Sinabi ko na spoiler siya kase malalaman ninyo na may communication parin kami ni Jay kaya nagawa kong hingin yung point of view niya for the story. Ito po yung side of the story niya nung nasa bahay kami nila Niel at inutusan siya niTita Susan na tawagin kami dahil kakain na.
JAY’s POINT OF VIEW
“Jay,” tawag sa akin ni Tita Susan habang nakaupo kami sa
harap ng mesa at naghihintay. “Paki-tawag mo na nga ‘yung dalawa para
makapagsimula na tayo.”
“Opo, Tita,” sagot ko sabay tayo para tunguhin ang kwarto
namin ni Cofee.
Subscribe to:
Posts (Atom)
